"Ang Kabutihang Dulot Ng Pagsunod sa Batas Trapiko"
Lunes, Oktubre 3, 2016
Ang Kabutihang Dulot ng Pagsunod Sa Batas Trapiko
Ang batas trapiko ay ang mga alintuntunin na ipinapatupad ng ating pamahalaan sa ating mga lansangan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang "BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY, "U-TURN SLOT" at "DON'T TEXT WHILE DRIVING.Ngunit ano nga ang kabutihang dulot ng mga ito?
Sa ating modernong panahon, napakaraming magandang dulot ang pagsunod sa mga batas trapiko. Gaya ng pagtawid sa mga tamang tawiran at hindi pagmamaneho ng lasing. Sa ganitong pamamaraan, maiiwasan na magkaroon ng mga aksidente na maaaring kumitil ng napakaraming buhay. Ang pakiisa din sa "ANTI-SMOKE BELCHING" ay dapat din. Ito ay upang mabawasan ang mas lumalalang polusyon sa hangin dulot ng maiitim at maduduming usok na nagmumula sa mga sasakyan. Ang pagsunod rin sa mga alintuntunin ng batas panglansangan tulad ng pagliko sa mga tamang "U-TURN SLOT" ay may magandang hatid din. Dahil sa pagsunod sa ganitong gawain ay maiiwasan ang trapiko na siyang nagpapabigat at nagpapainit ng ulo ng napakaraming mamamayan mapa drayber man o mapa pasahero. Higit sa lahat, ang kabutihang dulot ng pagsunod sa mga batas trapiko sa ating mga kalsada ay napakaraming buhay ang mabibigyan ng kaligtasan at magkakaroon ng kaginhawaan ang ating mga pang araw-araw na pamumuhay.
Napakaraming mabubuting hatid ang tamang pagsunod sa mga batas trapiko. Kaya naman, marapat natin itong ugaliin at huwag ipagsantabi. Bigyan natin ito ng kaukulan pansin at halaga sapagkat ito ang maghahatid sa atin tungo sa isang magandang kinabukasan sa hinaharap.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)